Ang PBA ay pumayag na magkaron na muli ng training ang bawat koponan, upang makapag handa na sa muling pagbabalik ng liga, ang koponan ng Rain or Shine Elasto Painters ay nag hahanap na ng gym na maaring magamit para sa kanilang training.
“Right now, going back (to practice), ang ina-allow pa lang ng IATF (Inter-Agency Task Force) is mga pro teams. So hopefully, may gym na will allow us na kami lang ang gagamit, ‘yun ang hinahanap namin, a gym that would accommodate us,” said Garcia. “Mahirap naman mag-practice sa gym na may kasunud kami or sa kabila na may maglalaro.”
Ang NEGA gym ang dating ginagamit ng Rain or Shine sa loob ng Geenhills, San Juan, ngunit bago ang lock down nitong March, kinailangan nila lumipat sa Reyes Gym sa Mandaluyong habang muling isinasaayos ang NEGA gym.
Ang kilalang liga ng bansa ay malapit na mag simula at ito ay talaga naman kinasasabikan ng mga fans.