Pumayag na sa limang taon kontrata ang all-star center na si Anthony Davis na nagkakahalaga ng five-year $190 million maximum contract upang manatili sa kopona ng Los Angeles Lakers kasama si Lebron James. Naka saad sa kasunduan ang early-termination option bago ang ikalimang taon sa 2024-2025.

Inaabangan ng lahat ang opisyal na pag pirma ni AD sa lalong madaling panahon. Si Davis ay agad nakasungkit ng kampeonato nitong 2019-2020 NBA Championship matapos umalis sa New Orleans Pelicans at nag laro sa Lakers, upang magkaron ng solidong koponan muli ay binigyan ng Lakers ng bagong kontrata si Lebron ng dalawang taon extension na nagkakahalag ng $85-million.

This entry was posted in News, News Philippines and tagged , , . Bookmark the permalink.