Lakers Danny Green ay may positibong kutob sa parating na play-off run.

Natigil ang buong NBA dahil sa pandemic na Coronavirus. Sa kasong ito ay walang tiyak na petsa ng pagbabalik para sa liga. Naghihintay ang lahat ng mga tagahanga ng NBA para sa pagbalik nito, ang Los Angeles Lakers ay may magandang katayuan bago tumigil ang liga. Nasa top seed sila sa Western Conference, si Lebron James, pinangunahan ang koponan kasama ang co-superstar na si Anthony Davis. Bukod sa hari, ang buong franchise ay umaasa at tiwala na makakakuha sila ng isang matagumpay na resulta sa taon na ito, at ang two time NBA champion na si Danny Green ay isa sa kanila. Nang tatanungin si Danny Green tungkol sa kanilang katayuan para sa playoff run, tiwala siya na maaari nilang madala ang pinakamataas na pagganap na maaaring humantong ang koponan papunta sa NBA finals. “We have a very deep team. A lot of depth. So guys like Kuz, Avery Bradley, Myself, KCP, we’re going to need those four guys on the group to be able to have a good night at least one night each, throughout the playoffs.” Sinabi ni Green, Ang guard na 6-6 ang tass ay tiyak na nilinaw ang kanyang mga saloobin. Para sa kanya ang pagiging positibo sa bawat sitwasyon ay maaaring magdala ng tagumpay sa koponan.

This entry was posted in Basketball News & Updates, News, News Philippines and tagged , , , . Bookmark the permalink.