Aaron Gordon muli na naman bigo makuha ang tropeo sa NBA All-Star slam dunk contest 2020

Ang mga player na nag participate ay ang dating 2008 champion na si Dwight Howard, Pat Connaughton sumali sa unang pagkakataon, Derrick Jones Jr. sa ikalawang pagkakataon simula noon 2017, Aaron Gordon matapos talunin ni Zach Lavine noong 2016.

Si Gordon at Jones ang nag harap sa finals matapos nila pumuntos pareho ng 50 sa opening ng  extra rounds. Si Jones ay lumipad mula sa free throw line ng naka windmill, ang hurado ay kinabibilangan ni Dwyane Wade, Candace Parker, Common, Chadwick Boseman and Scottie Pippen na nag bigay kay Jones ng iskor na 48. Samantalang si Gordon ay Kinuha si Tacko Fall na may taas na 7-foot-5. ngunit ang judges ay binigyan si Gordon ng iskor na 47 kinapos ng isang puntos upang tumabla kay Jones, ang 2020 Slam Dunk Contest Champion ay si Derrick Jones Jr.

Matapos ang desisyon ng hurado ay naging kontrobersiyal ang desisyon na ito lalo na sa social media.

This entry was posted in Basketball News & Updates, News, News Philippines and tagged , , . Bookmark the permalink.