Kevin Love handang itrade ng Cavs, ayon sa source

Ayon sa league sources ng ESPN ang koponan ng Cleveland Cavaliers ay handa tumangap ng offer para sa kanilang All-Star forward na si Kevin Love.

Nais ng Cavs na mabigyan ng batang assets kasama sa package ang at mga future draft picks, ayon sa source ng liga.

Sa Disyembre 15 ang pag sign ng mga free-agent players para sa mga kontrata.

Si Love ay 31 anyos at may tatlong taon pa na kontrata na nagkakahalaga ng $90 million.

Binabalak ng Cavaliers na magkaron ng full rebuild para sa kanilang koponan, kaya sila ay nais kumuha ng mga batang player at mga bagong draft picks. Ilan sa mga beteranong player ng Cavs ay mag eexpire na ang kontrata kabilang dito si Tristan Thompson, Brandon Knight, Jordan Clarkson, John Henson at Matthew Dellavedova.

This entry was posted in Basketball News & Updates, News, News Philippines and tagged , . Bookmark the permalink.