Zach LaVine kumamada ng 49 puntos at nagbigay ng game winning shot para sa Bulls.

Binigyan buhay ni Zach LaVine ang kanyang koponan matapos silang talunin ng Miami Heat sa score na 116-108 sa home noong nakaraan laban nila bago harapin ang Charlotte Hornets. Si LaVine ay gumawa ng 49 puntos na may 17-for-28 sa field at kahanga-hangang 13-for-17 sa tres ikalawa sa most NBA history. Tanging si Klay Thompson (14) at Steph Curry (13) ang nakagawa nito sa single game.

isang nakakabilib na pagbabalik para sa koponan ng Bulls ang pagkapanalo kontra Charlotte, sa limang puntos na kalamangan sa loob ng 10 secondsna natitira sa oras bago maibuslo ni Tomas Satoronsky ang isang tres sa oras na 7.1 segundo na natitira. Sa huling play nakuha ni LaVine ang bola matapos pwersahin ni Coby White ang isang turnover mula kay Devonte Graham at naipukol ni LaVine sa tres at pumasok na naging isang winning shot para sa Bulls.

This entry was posted in Basketball News & Updates, News, News Philippines and tagged , . Bookmark the permalink.