NBA-Carmelo Anthony debut vs. Pelicans

Mag lalarong muli ang 16 years NBA veteran na si Carmelo Anthony para sa Portland Trail Blazers, mag sisimula siya sa forward posisyon ayon sa kanyang head coach na si Terry Stotts kontra Pelicans Martes ng gabi (Wednesday, PHL time).

Ang 35-year-old na si Anthony ay pumayag sa kasunduan sa Portland noong nakaraan linggo at opisyal na pumirma noong martes (Wednesday, PHL time) matapos pumasa sa physical test.

Sinimulan ng 6-foot-8 na si Anthony ang kanyang career sa koponan ng Denver Nuggets nag tagal siya ng pitong season bago na trade sa New York Knicks noong 2011, nanatili si Anthony ng anim na season bago muling mapunta sa ibang koponan ng Oklahoma City Thunder at Rockets na nagkaron siya ng tig isang season bago itrade sa Chicago nitong January ngunit binitawan siya ng Bulls bago pa makapag laro sa koponan.

Si Melo ay uma-averaged noon ng 24 puntos sa kanyang 1,064 career regular season games.

This entry was posted in Basketball News & Updates, News, News Philippines and tagged , . Bookmark the permalink.