Carmelo Anthony ay pumirma ng non-guaranteed deal sa Trail Blazers

Si Carmelo Anthony ay huling nag laro sa koponan ng Houston Rockets noong Novebyembre 2018, at ngayon ay pipirma ng bagong kontrata sa Portland Trail Blazers. Uma-averaged si Carmelo Anthony ng 13.4 puntos sa mahigit sampung laro sa Rockets bago kumalas sa koponan. Ang 6-foot-8 forward ay isa sa kilalang leading scorer sa history ng NBA na uma-averaged ng 24 puntos kada laro sa panahon niya sa koponan ng Denver Nuggets at New York Knicks. Ang Blazers ay struggle sa unang pag pasok ng season na may record na 4-8. Si Anthony ay ilalagay bilang frontcourt ng koponan na ngayon ay isang malaking kakulangan sa Blazers matapos magkaron ng injury si Zach Collins. Ang Portland ay nagawang maging number 3 seed noong nakaraan season at nakarating sa Western Conference finals.

This entry was posted in Basketball News & Updates, News, News Philippines and tagged , . Bookmark the permalink.