Toronto Raptors tinapos ang wiining streak ng Lakers

Pinangunahan ni Paskal Siakam ang Raptors sa puntos na 24 points at 11 rebounds, Fred VanVleet ay gumawa ng 23 points at sampung assist upang tapusin ang seven winning streak ng Los Angeles Lakers sa score na 113-104 nitong lingo ng gabi.

Si Chris Boucher ay gumawa ng career high na 15 points para sa Raptors, tinalo ng defending champion ang Lakers na wala ang regular starter na si Kyle Lowry dahil sa injury sa broken left thumb at ang top reserve na si Serge Ibaka na may sprained right ankle, ngunit nanaig ang Raptors na may 10 conscutive win kontra Lakers.

Si Davis at James ay parehong nag pakita ng matibay na laro, ngunit hindi nabigyan ng tulong ng mga supporting cast ng kanilang koponan si Kuzma ay pumuntos ng 13 points sa kanyang 15 puntos sa fourth quarter. Si Danny Green ay walng puntos sa kanyang shooting na 0-for 5 sa loob ng 27 minutes para sa koponan ng Lakers. Ang Toronto ay sinimulang ang fourth na may 17-6 run na pinagunahan ng siyam na puntos mula kay Boucher. Haharapin naman ng Raptors si Kawhi Leonard ng Clippers ngayon lunes, habng ang Lakers ay bibisita sa Phoenix Suns sa Martes ng gabi.

This entry was posted in Basketball News & Updates, News, News Philippines and tagged , , . Bookmark the permalink.