NBA- Toronto Raptors vs. New Orleans Pelicans prediction, betting preview, picks, and odds

Toronto Raptors (0-0) vs. New Orlean Pelicans (0-0)
Date: Saturday October 22, 2019 ET
Time: 8:05 ET
Venue: Scotiabank Arena
Betting Lines: Raptors -5.5/ Pelicans +5.5 in BetOnline
Picks: Toronto Raptors -5.5 bet on BetOnline

Haharapin ng New Orleans Pelican ang pinaka bagong kampeon ng NBA ang Toronto Raptors na gaganapin sa Scotiabank Arena 0ctober 22, 2019.

Ang Pelicans ang nag wagi sa pag kuha sa numero unong overall draft pick na si Zion Williamson nitong 2019 NBA draft. Si Williamson ay isa sa inaabangan rookie ngayon season dahil sa kanyang mala Lebron na atletisismo at lakas na matutunghayan natin sa unang pag lalaro niya kontra sa bagong kampeon na Toronto Raptors. Nawala man si Davis napalitan naman ito ng rookie na si Williamson at mga batang may potensyal na mula sa Lakers, ito ay sina Brandon Ingram, Lonzo Ball at Josh Hart. Kasama nila dito ay ang beteranong  shooter na si J.J Redick na magiging sniper sa tres, nadagdagan pa sila ng forward na si Derrick Favors mula Utah Jazz upang makatulong sa ilalim ng ring. Ang Pelicans ay isa sa team na maari mong abangan sa opening season dahil sa kanilang mga young guns at sa pag sisimula ng kanilang rookie na si Williamson.

Ang Toronto Raptors ay may magandang panimula ng kanilang season, pagkat sila ang hinirang na kampeon nitong nakaraan finals. Nawala man ang kanilang bayani ang finals MVP na si Kawhi Leonard nabigyan naman sila nito ng tropeo bago lisanin ang kanilang koponan kontra sa alamat na Golden State Warriors. Malaki bagay man ang pagkawala ni Kawhi ay may maganda naman nangyari sa kanila matapos manatili ni Marc Gasol na naging kampeon muli sa FIBA World cup kamakailan. Samantala, ang kanila forward na si Paskal Siakam ay nagpakita naman ng potensyal noong finals na maaring maging paraan upang isa siya sa magpapatibay ng kanilang koponan, siya ay hinirang na  Most Improved Player at isa sa bumuhat sa koponan upang makuha ang tropeo. Kahanga-hanga din ang ipinakita na laro ni Fred Van Vleet upang tulungan ang kanilang veteran guard na si Kyle Lowry. Ang pagbabalik ni Anunoby mula sa injury at ang improvement ni Norman Powell ay inaasahan upang manalo kontra sa mga Batang Pelicans.

Ang prediction ko dito ay ang Pelicans ay may kakayahan manalo ngunit ito ay hindi pa ngayon pagkat sila ay kailangan gumugol ng sapat na oras para sa kanilang team chemistry. Pagkat sila ay kulang pa sa experienced at puro bata pa kumapara sa Toronto Raptors, ang team ng Pelicans ay isang mukha ng rebuilding team sa ngayon. Samantala ang Toronto ay ilan player lamang ang nawala bagkus nadagdagan pa ng ilan beterano at mga nag improved na player na maaari nilang maging sandata sa laban kontra sa Pelicans. Kaya sa akin ay Toronto Raptors ang mananalo sa laban na ito.

This entry was posted in Prediction and tagged , , . Bookmark the permalink.