NBA-Miami Heat head coach Erik Spoelstra pumayag sa long-term extension.

Ang two-time championship coach na si Erik Spoerlstra ay pumayag sa long-term extension sa koponan ng Miami Heat, ayon sa ESPN.

Papasok na si Spoelstra sa kanyang final season ng kanyang kontrata, at muling nakipag negosasyon sa Miami Heat. Ang head coach na si Erik ay ikalawa sa leagues second-longest-tenured active coach sa isang koponan, kasunod ng San Antonio Spurs head coach na si Gregg Popovich.

Si Spoelstra ay mayroon ng 12th season sa franchise bilang head coach sa pag pasok ng training camp sa Martes. siya ay nag tala ng .590 regular-season winning percentage at .602 sa playoffs, kasama dito ang apat na pag pasok sa NBA Finals at dalawang titulo bilang kampeon.

Ilan sa mga sikat na NBA player na hinawakan at na developed ang laro kay Spoelstra ay ang kilalang big three na sina Dwyane Wade, Lebron James, Chris Bosh, ang era ng big three na ito ay isa sa kilalang koponan na nabuo sa ilalim ng head coach na si Spoelstra.

Hindi nakapasok sa playoffs ang Heat nitong nakaraan ngunit nakuha naman nila ang star na si Jimmy Butler, Si Spoelstra ay 48 anyos, at iginugol ang kanyang buong professional life sa koponan ng Heat. Siya ay nag simula sa video room hangang sa marating ang advance scout sumunod ang assistant coaching staff at matapos noon 2008 ay pinalitan na niya ang dating head coach na si Pat Riley na ngayon naman ay Heat president na.

This entry was posted in Basketball News & Updates, News, News Philippines and tagged , , , . Bookmark the permalink.