Cleveland Browns David Njoku nag tamo ng injury, DB’s di tiyak kontra Rams

Ang Cleveland Browns ay inilagay si David Njoku sa injured reserved dahil sa kanyang natamong injury, inanunsyo ng koponan nitong biyernes.

Unang quarter pa lamang ng laro ng mag tamo ng pinsala si Njuko noong lunes at nag suffer din siya ng concussion, kinakailngan din siyang sumailalim sa surgery. Ang Browns ay makakaharap ang quarter back na si Jared Goff at ang buong Los Angeles Rams.

Ang dalawang starting cornerbacks, Denzel Ward at Greedy Williams ay hindi pa sigurado kung makakapag laro matapos mag tamo ng hamstring injuries nitong lingo. Morgan Burnett (quad) at hindi din nakapag ensayo noong Biyernes kaya na ilagay sa listahan ng questionable. Ang Browns ay tuluyan na inalis sa line up si Damarious Randall dahil sa concussion para sa laban nila sa lingo.

Inaksyunan naman agad ng Browns ang mga problema agad  na pinapirma ang cornerback na si  Robert Jackson para ilagay sa kanilang aktibong roster at kinuha si  Juston Burris matapos bitawan ng Raiders.

“The guys that are there [against the Rams], I expect us to show up and play well, compete every snap,”. “The expectations haven’t changed. I just need 11 on each side of the ball to show up and play.” Ayon sa head coach ng Browns Freddie Kitchens.

Si Christian Kirksey ay wala rin sa lineup dahil sa (dibdib) at malalaman kung kailangan sumasailalim sa operasyon. Ang iba pang mga Starters sa listahan para sa kaduda-duda sa laro sa Linggo ay si right tackle Chris Hubbard (paa) at wide receiver na si Rashard Higgins (tuhod).

This entry was posted in News, News Philippines and tagged , , . Bookmark the permalink.