Ang Spain, Argentina ay mag tutunggali para sa FIBA ​​World Cup final.

Ang dalawang koponan ay nakahanda na para sa kanilang parating na laban sa final round ng 2019 FIBA World Cup sa China.

Nangako ang dalawang koponan na ibibigay ang kanilang isang daan porsyento para manalo at masungkit ang gintong medalya para sa karangalan ng kanilang  bansa.

“Let’s focus all our strength, attention to the details because (Argentina) are going to play a very tough game because they have experience, they have size, they have heart. They have a lot of talent. After (the Final), whenever the game is over, life will go on either way. We’ll see,” wika Gasol.

Sinabi naman ng head coach ng spain na si Sergio Scariolo ang mga nakaraan nilang nagawa upang manalo at kung bakit sila nanatili at nananaig sa kompetisyon.

“The more Quarter-Finals, Semi-Finals, Finals you play and fortunately the more you win, the more you know how to do it. How to manage it and how to win it. Knowing when it is the right time to hit them strong,” ayon kay Scariolo.

Sigurado naman ang Argentina  head coch na si Sergio Hernandez, na masasaksihan ng mga fans ang emosyonal na laban at mabagsik na pag haharap ng Argentina at Spain.

“We played so many times against Spain, and they respect Argentinian basketball so much. We respect them so much. I don’t know what the rest of the world is thinking about the Final of Spain and Argentina, but I am sure it will be an amazing game, emotional game. Maybe it will not be a nice game to watch, like all the Final games, but for sure it will be a very tough game. I respect Sergio Scariolo a lot, he’s almost a friend, one of the best coaches in the world, so it’s a great opportunity for me to play against him,” pahayag ni Hernandez.

Ayon naman sa mga sports analyst, ang pag haharap ng dalawa ay tagisan ng opensa at depensa lalo na at kargado ng sapat na kakayahan ang spain upang dumepensa na nagiging sandata nila noon pang nakaraan mga torneyo na dinanas din ng bansang US kontra Spain.

Samantalang ang koponan naman ng Argentina ay naging bala ang opensa, sa pangunguna ni Luis Scola at Facundo Campazzo na ginamit nila kontra sa bansang Korea, Nigeria, Russia, Venezuela, Poland, Serbia at France.

Huling nakuha ng Argentina ang kapeonato sa torneyo ay noon pang unang edisyon ng World Cup taong 1950, Samantalang ang Spain naman ay huling nasungkit ang titulo noong 2006.

Mag sisimula ang bakbakan ng dalawang koponan sa dakong alas 8:00 ng gabi sa Beijing, China.

This entry was posted in Basketball News & Updates, News, News Philippines and tagged , , , . Bookmark the permalink.