Cowboys idiniklara ang bagong kontrata ni Ezekiel Elliott

Noong martes  pinag uusapan na si Ezekiel Elliott ay malapit na pumirma ng anim na taon kontrata sa Cowboys, $90 million ekstention na kontrata, nitong miyerkules iniulat na ang deal ay pinirmahan na.

Ipinost ng Cowboy sa twitter account ang katagang “the  post you’ve all been waiting for”, Opisyal na inanunsyo ng koponan ang kasunduan sa kanilang star running back ay naganap na. Si Elliott ay inaasahan sa team facility para sa kanyang physical and practice na idedesign ang kanilang play kontra sa Giants na makakalaban nila sa week one.

Ang buong detalye ay hindi pa nalalaman ngunit ayon sa ulat ang total ng pera ay tinatayang nasa $50 million. Makikita natin kung magagawa din ng Cowboys na mapapirma ang kanilang quarterback na si Dak Prescott at wide receiver na si Amari Cooper matapos ang mahabang pag uusap noon pang offseason sa kanilang tatlong mga offensive stars.

This entry was posted in News, NFL and tagged , . Bookmark the permalink.