NBA Futures Betting 2019-20: Western Confernce winner Predictions, Odds, Preview & Picks 2019-20

Sa nangyaring free agency noong Hunyo, maraming mga manlalaro ang lumipat sa ibang mga koponan at mayroong ilang mga koponan ay nakuha ang nais nilang player para sa kanilang team.

Matapos talunin ng Toronto Raptors ang ‘Golden State Warriors sa finals at nag hiwa-hiwalay na ang player ng Warriors, maraming mga koponan sa West ang gumawa ng kanilang napakalaking hakbang at handa na sa darating na 2019-20 NBA season.

Tingnan natin ang mga koponan ng Western Conference na may pagkakataon na makuha ang Larry O’Brien Trophy at ang kanilang mga logro na maaari mong ilagay ang iyong pusta.

batay sa istatistika ang nangungunang tatlong koponan na kandidato sa Western Confernce ay ang L.A. Clippers, Los Angeles Lakers, at ang Houston Rockets para sa Western Conference Finals.

Karaniwan ang kanilang Odds ay nag lalaro sa +200 to +500 sa mga betting sites.

Clippers ay +245 sa 5Dimes

Ang Clippers ang isa sa numero uno paborito ngayon dahil sa pag dating ng Finals MVP na si Kawhi Leonard at sinamahan pa ng isang star player na nasa listahan din ng MVP race nitong nakaraan season na si Paul George. Mas pinili ko ang Clippers kaysa sa Lakers at Rockets dahil mas nakikita ko ang pagiging balanse ng kanilang star duo (Kawhi Leonard – Paul Geroge). Ang dalawang ito ay mataas ang kakayahan pag dating sa opensa at depensa at pwede mag laro ng on and off the ball, Pareho silang mahusay na outside shooters.

Ang star duo naman ng Los Angeles Lakers na si Lebron James at Anthony Davis ay dominante lamang malaxait sa ring ngunit hindi ganun kataas ang porsyento ng tira pag dating sa labas, Si lebron ay hindi komportable pag dating sa off the ball. Dala narin ng edad ay maari din mabago na ang laro ni lebron na nakita natin nitong nakaraan season, ang paghina ng kanyang depensa.

Si Harden naman at Westbrook ay parehong ball dominant at pareho silang mababa ang porsyento pag dating sa depensa.

Bukod sa dalawang superstars ng Clippers meron din silang solid na supporting cast tulad ni Patrick Beverly na matibay pag dating sa depensa, ang sixthman of the year na si Lou Williams na kayang pumuntos off the bench.

Ang lakers ay rebuild team na dinagdagan ng ilan magaling na player ngunit kinakailangan pa nilang mabuo ang kanilang team chemistry. Ang Rockets ay may magandang rooster ngunit bumabagal ang laro dahil sa mayron ng edad tulad ni P.J Tucker at Eric Gordon.

Denver Nuggets Odds +1300 sa 5Dimes

Ang Denver Nuggets ay may magandang ipinakita noong nakaraan season. Sila ay nag ranked bilang ikalawa sa Western Conference noong nakaraan taon, sa pangunguna ni Nikola Jokic, Jamal Murray, and Monte Morris na umiidad lamang ng 23 anyos. At hindi lang yun, meron din silang mga young core na tulad ni Malik Beasley, Gary Harris, and Juan Hernangomez na mayron malaking impact sa team.

Ang kanilang Player sa rotation na ginamit noong nakaraan taon ay di nabawasan bagkus nadagdagan pa ni Jerami Grant na isang versatile defender at Michael Porter jr. na kayang gumawa ng puntos kada laro. Malaking tulong din sa Nuggets ang experienced ni Paul Millsap at Mason Plumlee na karapat-dapat mabigyan ng magandang minuto sa laro.

Wala man silang naidagdag na star player pero isa sila sa deepest team ngayon sa Western Conference na masasabi mong maaring maging contender. Sa pangunguna ng kanilang superstar na si Nikola Jokic at  head coach na si  Mike Malone.

Ang Nuggets ay isa sa magandang piliin para tayaan na malaki ang chance na manalo at makakuha ng malaking panalo sa iyong taya.

San Antonio Spurs Odds +5000 sa 5Dimes

Ang San Antonio Spurs ay isa sa respetadong koponan sa NBA dahil sa pangunguna ng legendary head coach na si Gregg Popovich. Kahit na wala silang star power na tulad ng ibang koponan ay hindi parin pwedeng maliitin ng kalaban. Ang Spurs ay solid pagdating sa team rotation at hindi naka depende sa isang star player, si Lamarcus Aldridge at DeMar DeRozan ang best player ng koponan na parehong solid midrange monsters.

Ang Spurs ay mayroon reliable shooters tulad ni Rudy Gay at DeMarre Carroll, si Patty Mills at Marco Belinelli ay kayang mag provide ng puntos sa tres. Samantala, ang  dalawang batang guardiya na si Derrick White at Dejounte Murray ay may sapat na kakayahan pag dating sa depensa at nag iimprove na ang opensa na makakatulong sa pagbibigay ng panalao para sa koponan.

Kapag binuo ang line up ng koponan na ito, sa ilalim ni Gregg Popovich na mayroon sapat na proven system, ay isa sila sa pwedeng maging dominante na team sa West.

Noon pa man ay subok na ang Spurs, pag dating sa regular season at isa sa playoffs contender. Ang koponan na ito ay Pwede mong tayaan bilang West Conference Champion this year, malaki ang chance na manalo at mataas ang odds.

This entry was posted in Prediction and tagged , , . Bookmark the permalink.