Mike Bryan ay magmumulta ng $10,000 sa pagbaril sa isang opisyal ng laro.

Ang Amerikanong manlalaro ng tennis na si Mike Bryan ay pinag mumulta ng $10,000 para sa pagturo ng kanyang racketa tulad ng isang rifle sa isang opisyal sa U.S. Open sa New York City noong Sabado.

Ang gesture ni Bryan ay nahuli sa camera at ito naman ay nataon na may naganap na insidente ng pag baril sa Texas maraming tao na napatay at higit sa isang dosenang nasugatan. Si Bryan ay nasa kalagitnaan ng laro ng doubles U.S open tennis kapares ang kanyang kapatid na si Bob noong ginawa niya ang pag tutok gamit ang kanyang raketa.

Ang 41-taong-gulang ay na dismaya ng hindi pumabor sa kanilang mag kapatid ang tawag ng isang opisyal sa laro.

Ang U.S Tennis Association ay pinagmumulta si Bryan ng $10,000 sa kanyang ginawa.

“We thought it warranted that amount,” sinabi ng tagapagsalita ng Tennis Association na si Brendan McIntyre sa isang pahayag..

Nang maglaon ay humingi ng tawad si Bryan sa kanayang ginawa at sinabi sa isang pahayag na ito ay nangangahulugang “laro.”

Nanalo ang magkapatid na Bryan sa match sa score na 4-6, 7-5, 6-3.

Sina Mike Bryan at Jack Sock ay nanalo sa torneo sa U.S open doubles noong nakaraang taon.

This entry was posted in News, News Philippines and tagged , . Bookmark the permalink.