CB Joe Haden pumirma sa Steelers ng bagong 3-taon kontrata

Si Joe Haden ay nanatili sa Pittsburgh Steelers.

Ang beterano na cornerback at ang koponan ay sumang-ayon sa isang bagong tatlong-taon, $32 milyong kontrata na magpapanatili kay Haden sa Pittsburgh hangang sa 2021 season. Si Haden ay nasa huling taon na ng kanyang kontrata na pinirmahan niya 3 taon na nakalilipas na nilagdaan niya sa  Pittsburgh matapos siyang ireleased ng Cleveland Browns noong bisperas ng 2017 season.

“Letssss Goooo !!!” Nagpost si Haden sa Instagram Linggo ng gabi. “So glad we got the deal done! On to week 1! Locked IN!!”

Ang 30-taong-gulang ay muling binuhay ang kanyang karera sa  Steelers, na naging nangungunang cornerback ng koponan. Si Haden ay nakapag laro ng 26 games sa buong dalawang season para sa Pittsburgh, na may isang interception at 19 passesed defensed. Hindi siya naglaro sa preseason bilang pag-iingat dahil sa isang injury sa kanyang bukung-bukong.

Sinabi ng two-time Pro Bowler noong nakaraang linggo na hindi mapipigilan ng injury ang hangad niyang makapaglaro sa Pittsburgh’s season opener sa New England ngayon parating na Setyembre 8.

This entry was posted in News, News Philippines, NFL and tagged , . Bookmark the permalink.