Rockets, Gordon nag pirmahan ng bagong kontrata sa halagang $54.5M deal

Ang guardia ng Houston Rockets na si Eric Gordon ay sumang-ayon sa isang tatlong taong, $54.5 milyong extension ng kontrata na hangang sa taong 2022-23 na season, ayon sa sources ng liga sa ESPN noong Biyernes ng gabi.

Ang deal ni Gordon – na nagsimula sa season ng 2020-21 – may kasamang $20.9 milyong season sa 2023-24 na magiging garantiya makaka gawa ang Rockets at si Gordon ng isang koponan ng All-Star o kung ang Rockets ay mananalo ng isang kampeonato sa NBA bago matapos ang kanyang kontrata, ayon sa sources ng liga.

Una nang naiulat ng Houston Chronicle ang nasabing kontrata.

Si Gordon, 30, ay papasok sa huling taon ng kanyang kontrata sa 2019-20, na nagkakahalaga ng $14 milyon.

Si Gordon ay nag-average ng halos 17 puntos sa kanyang tatlong season kasama ang Rockets, kasama na ang isang award sa Sixth Man of the Year.

Si Gordon ay bahagi ng isang nucleus na kinabibilangan nina James Harden, Russell Westbrook at Clint Capela na inaasahang makikipagkumpitensya sa mga malalakas na team sa Western Conference.

This entry was posted in Basketball News & Updates, News, News Philippines and tagged , . Bookmark the permalink.