Gilas Pilipinas mataas ang morale sa paglalaro sa FIBA World Cup

Mataas pa rin ang morale ng Gilas Pilipinas sa ginawa nilang ensayo sa Foshan International Sports and Cultural Center isang araw bago ang laro nila sa FIBA World Cup.

Ayon kay Gilas coach Yeng Guiao, na kinabisado na nila ang court at humanga sila sa nasabing kagandahan ng nasabing court.

Dagdag pa ni Guiao na naging maganda ang ensayo ng national team.

HIndi naman ikinaila ng ilang manlalaro ng Gilas na may tsansa silang talunin ang Italy at Angola na kanilang makakaharap sa kanilang Group D.

Sinabi ni Gilas guard CJ Perez na nakasabayan nilang kumain ang nasabing koponan at kanilang pinagmasdan ang nasabing mga koponan.

Makakaharap ng Gilas ang Italy sa Sabado August 31 dakong 7:30 ng gabi habang ang Serbia ay makakaharap sa Lunes September 2 sa parehas na oras.

Dakong 3:30 pm naman ng September 4 ay Angola ang makakaharap ng Gilas.

This entry was posted in Basketball News & Updates, News, News Philippines and tagged , , . Bookmark the permalink.