Si Andrew Luck ay potensyal na mawawalan ng $500M dahil sa biglaan pag reretiro.

Ang Indianapolis Colts quarterback na si Andrew Luck, na nagpahayag ng kanyang pagretiro noong Sabado, ay potensyal na mawalan ng kalahating bilyong dolyar.

Iniulat ng may-ari ng Colts na si Jim Irsay na si Luck, 29, ay inayawan ang $500 milyon, ayon kay Mike Garafolo ng NFL Network.

“Ang may-ari ng #Colts na si Jim Irsay ay sinabi na si Andrew Luck ay mawawalan ng halos $500 milyon sa biglaan nitong desisyon na mag retiro sa NFL. Sa sahod ng QB na nasa $35 milyon bawat taon, si Luck ay maari makamtan ang $40 milyong APY mga darating na panahon, ”sa sulat ni Garafolo sa isang tweet nitong katapusan ng linggo. “Another deal after that maybe over $50 million APY … yeah, that sounds right.”

 

 

Si Luck ay nakakuha ng higit na $97.1 milyon na kita on-field sa kanyang pitong taong karera, ayon sa Spotrac. Ang Colts star ay may tatlong taon na naiwan sa kanyang $140 milyon, anim na taong deal, na nilagdaan niya noong Hunyo 2016.

Ayon sa Bleacher Report, kwalipikado si Luck na mag-sign ng isang bagong deal sa edad na 32 kung siya ay nagpasya na iplay out ang kanyang kasalukuyang kontrata. Ito ay pinaniniwalaan na si Luck, na eedad ng 30 anyos ngayon Setyembre, ay maaaring maglaro ng hindi bababa sa isa pang dekada, na isinasaalang-alang ang mga manlalaro tulad ng Patriots star na si Tom Brady at New Orleans Saints ‘Drew Brees ay nagpapatuloy pa rin sa paglalaro sa kanilang edad 40s.

This entry was posted in News, News Philippines, NFL and tagged , , . Bookmark the permalink.