Gilas, nagpaplano na vs Italy

Sinimulan na ng Gilas Pilipinas ang paggawa ng game plans laban sa mga makakatapat nitong mga kuponan sa 2019 Fiba Basketball World Cup sa China.

Sa pag-e-ensayo ng Gilas ay tinalakay na ng kuponan ang magiging playing style nila laban sa Italy, na una nilang makakalaban sa August 31 sa Foshan, China.

Ayon kay Coach Yeng Guiao, nakita na nila ang mga scouting report.

Dagdag ni Guiao, meron na silang mga bagay na inaasahan, at sinusubukan na nila maghanap ng mga solusyon sa kanilang practice.

Samantala, sinabi naman ni Guiao na naka-integrate na sa system ng Gilas sina June Mar Fajardo, Troy Rosario at RR Pogoy na kagagaling lang mula sa kanilang paglalaro sa PBA Commissioner’s Cup Finals.

Mababatid na meron gaganapin na tune-up game ang Gilas laban sa Australian ballclub Adelaide 36ers.

 
This entry was posted in Basketball News & Updates, News, News Philippines and tagged . Bookmark the permalink.