Ang Lakers ay nag set ng workouts para kay Noah, Howard.

Sa kasunod ng injury sa tuhod ni DeMarcus Cousins, ang Los Angeles Lakers ay nagdadala ng dalawang dating centro ng All-Star – sina Joakim Noah at Dwight Howard – upang suriin sa mga indibidwal na workouts sa Los Angeles, ayon sa league source na sinabi sa ESPN noong Martes.

Kasama rin sa workouts ang beterano na si Mo Speights, ayon sa league source.

Isa pang centro pa ang kinokonsidera, per sources: Si Marcin Gortat, na kasalukuyang nasa ibang bansa sa Europa.

Si Howard ay nasa ilalim ng kontrata ng Memphis Grizzlies, ngunit binigyan siya ng koponan ng pahintulot upang makahanap ng mga oportunidad sa ibang team sa NBA. Mayroon siyang $ 5.6 milyong expiring na kontrata na maaaring maging kapaki-pakinabang bilang isang trade asset, o kaya niyang iwork-out ang isang contract na i-buyout sa Grizzlies. Malamang na hindi na siya maglaro para sa franchise, sinabi ng league source.

Si Cousins ​​ay nag suffered sa injury ng left ACL sa workout noong nakaraang linggo, malamang na hindi siya makapag laro sa Lakers sa parating na season. Si Cousin ay pumirma ng kontrata sa Lakers ng isang taon, $3.5 milyon sa franchise.

Ang Lakers ay may JaVale McGee at susubukang magkasama sa isang rotation ng centro na isasama si Anthony Davis, bagaman mas gugustuhin ng organisasyon na maglaro siya bilang power forward sa kanyang buong minutes.

 

This entry was posted in Basketball News & Updates, News, News Philippines and tagged , , , . Bookmark the permalink.