Tatlo ang patay sa naganap na Honduras soccer riot, hindi bababa sa 10 nasugatan, sabi ng mga opisyal.

Hindi bababa sa tatlong katao ang napatay at 10 ang nasugatan matapos ang mga kaguluhan na naganap noong Sabado ng gabi sa kabisera ng Honduras bago ang laro ng soccer sa pagitan ng dalawang magkaribal na koponan, sinabi ng mga opisyal.

Ang karahasan ay nag simula sa labas ng National Stadium sa Tegucigalpa bago ang laban sa pagitan ng mga Motagua at Olympia soccer club, matapos na ibulabog ng mga tao ang mga bus sa koponan ng Motagua. Tatlong mga manlalaro sa koponan ang nasugatan nang masira ang mga glass windows, ayon sa koponan.

reaksyon ng spectator mula sa tear gas matapos ang tatlong tao ay namatay sa mga kaguluhan bago ang isang laro ng soccer nang atakihin ng mga tagahanga ang isang bus na sinasakyan ng team, sa National Stadium sa Tegucigalpa, Honduras Agosto 17, 2019.

Nagpapatuloy ang kaguluhan sa loob at labas ng National Stadium matapos na kanselahin ng mga opisyal ang laro dahil sa insidente sa bus.

“Tatlong katao ang namatay at pito ang binaril at sinaksak. Ang isa sa kanila ay isang batang lalaki, “ang tagapagsalita ng lokal na ospital na si Laura Schoenherr ay sinabi sa ahensiya ng Reuters.” Tatlo sa mga nasugatan na matatanda ay nasa kritikal na kondisyon.”

Ang mga bumbero ay daladala ang isang babae matapos ang tatlong tao ay namatay sa mga kaguluhan bago ang isang laro ng soccer nang atakihin ng mga tagahanga ang isang bus na sinasakyan ng isang koponan, sa National Stadium sa Tegucigalpa, Honduras.

Ang presidente ng club ng Olympia na si Rafael Villeda, ay nagsabi sa lokal press na makikipagpulong siya sa National League at mga pinuno ng Motagua upang magpasya sa future game ng nasabing koponan, ayon sa news agency.

This entry was posted in News, News Philippines and tagged , , . Bookmark the permalink.