Maaring mawala sa NFL ang star na si Antonio Brown, kung hindi siya gagamit ng aprobadong helmet ng liga.

Ang NFL noong Lunes ay tumugon sa kontrobersya na helmet na kinasasangkutan ng Oakland Raiders star na si Antonio Brown nang hindi binabangit ang pangalan ng star.

Naiiulat na si Brown ay nag banta na titigil na siya sa pag lalaro ng football kung hindi siya papayagan suotin ang nais niyang helmet, Na noon pa man ay sinusuot na niya 10 taon na ang nakalilipas. Ayon sa ESPN, inayawan niya ang pag gamit ng bagong modelong helmet na pinag uutos sa liga.

“Hindi maaaring mag practice o maglaro ang manlalaro na may kagamitan na hindi inaprubahan,” nag-tweet ang tagapagsalita ng NFL na si Brian McCarthy. “Kung hindi siya maglaro o mag practice ay nilabag niya ang kanyang kontrata at hindi siya babayaran. Ang patakaran ng Nfl ay ang Helmet ay kailangang aprobado ng NOSCAE. Hindi nila pinapayagan ang mga kagamitan na matanda sa 10 taon. “

This entry was posted in News, News Philippines, NFL and tagged , . Bookmark the permalink.