NBA Future Betting 2019-20: Southeast Division Predictions, Preview & Picks

Ang Southeast Division ang mukhang dehado sa helera ng East ngayon 2019-20 season. Napaka liit ng tsansa ng limang koponan na ito na makarating sa Eastern Finals. Ilan sa kanila ay masama ang record noon nakaraan season. Tingnan natin ang mga nabago sa mga koponan para sa parating na 2019-20 NBA season.

Southeast Division Team Previews

Miami Heat (Best odds to win division -125 at BetOnline & SportsBetting)

Ang Miami Heat ay nakuha ang forward star na si Jimmy Butler na ngayon ay isa sa mga pinakamahusay na player sa Southeast dibisyon, kasama niya ang nag iimprove na point forward na si Justice Winslow at defensive center na si Bam Adebayo. bagaman nawalan sila ng isang mahusay na pinuno ng koponan na si Dwyane Wade matapos ang kanyang farewell tour noon nakaraan season, at si Josh Richardson, at Hassan Whiteside ay nailipat na sa ibang koponan. Mayroon pa silang isang beteranong manlalaro na si Dion Waiters at may mga batang player na may posibilidad na mag improve upang maka tulong sa koponan ng heat na si Derrick Jones at ang kanilang potensyal na rookie scorer na si Tyler Herro. Ang depensa ng Miami ay magiging mas mahigpit, dahil sa karagdagan ni Jimmy Butler at ang kanilang pag puntos ay maaaring tumaas o mabago.

  • Record prediction: 45-37

Orlando Magic (Best odds: +200 at BetOnline & SportsBetting)

Ang Orlando Magic ay pang lima sa mga koponan sa NBA pag dating sa depensa ngayon darating na 2019-20 season, bago maka-pasok sa playoffs nagawa ng Magic na maipanalo ang kanilang 20 laban sa huling 28 na laro, matapos ilampaso sa first round NBA playoffs ng Toronto Raptors sa game 5. pinanatili ng Magic ang kanilang all-star center na si Nikola Vucevic na pinangunahan ang Magic upang matapos ang ika-pitong pwesto sa Eastern Conference upang makapasok ng playoffs. Muling pumirma si Terrence Ross ng isang bagong apat na taong kontrata, ibinalik ng Orlando ang 2014 NBA Rookie of the year na si Michael-Carter Williams upang magdagdag ng lakas sa kanilang backcourt na kasalukuyang pinakamahina nilang posisyon. At pinapirma ng kontrata ang isa pang beterano na si Al-Farouq Aminu, si Aminu ay may reputasyon sa pagiging isang masipag na taga depensa, Marami pa silang pwedeng maasahan batang player tulad ni Aaron Gordon, Jonathan Issac, at Mo Bamba.

Ang Orlando Magic ay unti-unting nakabubuo ng lineup na tiyak na maglagay ng ilang mga panalo hanggang sa taong ito. Ang kanilang mga nabubuong koponan ay hindi nagbago mula noong nakaraang taon, kaya ang anumang mga pagkilos sa offseason na kanilang gagawin ay makakaapekto sa kanilang bench.

  • Record prediction: 40-42

Atlanta Hawks (Best odds: +700 at BetOnline & SportsBetting)

Ang Hawks ay masama ang standing nitong huling season 29-53, kung saan sila ang pinaka huli sa kinabibilangan dibisyon sa basketball. Ang Atlanta ay ika-lima sa pinaka masamang record sa parehong opensa at depensa nitong nakaraan NBA season pag dating sa point differential. Sa pag bubuo muli sa East ng mas malakas na koponan, ang Hawks ay isa sa mahusay at mabilis gumawa ng paraan upang makabalik sa malaking liga. Sa pag sasama ni Trae Young na nag pakita ng kanyang malakas na rookie season, at ng isa pang batang role player na si DeAndre Hunter, at Cam Reddish. Maaari din silang makakuha ng isang solidong back up mula kay Evan Turner, Allen Crabbe, Jabari Parker, Alex Len. Ang Hawks ay dapat manalo sa mga koponan na nag tatala lamang ng .500 percentage. Kailangan din nilang maka sungkit ng panalo sa malalakas na koponan. Ang pag bibigay atensyon sa kanilang kahinaan ang mag bibigay sa kanila ng magandang record ng panalo.

  • Record prediction: 36-46

Washington Wizard (Best odds: +1600 at BetOnline & SportsBetting)

Kahit na wala si John Wall ang Washington Wizard ay mahusay pa rin sa pag gawa ng puntos dahil kay Bradley Beal na magaling gumawa ng paraan upang makapag bigay ng puntos para sa kanyang koponan. Troy Brown Jr at Thomas Bryant ay inaasahan na makakapag bigay ng karagdagan tulong para sa koponan sa pag pasok nila sa kanilang ikalawa at pangatlong taon, nkuha naman ng Wizard si Isaiah Thomas upang ilagay sa posisyon ng point guard at umaasa na magkaroon ng isang malaking papel para sa Wizard. Inaasahan din makpag bibigay lakas ang bagong draft na si Rui Hachimura, si C.J Miles at David Bertans naman ay kailangan makapag bigay ng karagdagan puntos mula sa tres upang mas maiangat ang koponan.
Ngunit ang malaking hamon sa Wizard ay kung paano nila mapalalakas ang kanilang depensa, ang Wizard ay pang bente otso sa trenta mga koponan noong nakaraang taon pag dating sa depensa. Patuloy ding naging problema ng koponan ang pag kuha ng rebound, sila ay pang bente syete pag dating sa rebound nitong nakaraan season. Si Dwight Howard, Jabari Parker, at Bobby Portis ang nangungunang tatlong rebounder. Na ngayon ay wala na sa koponan ng Wizard

  • Record prediction: 29-53

Charlotte Hornets ( Best odds: +2500 at BetOnline & Sportsbetting)

wala na sa Hornets ang point guard star na si Kemba Walker at Jeremy Lamb ang koponan ng Hornets ngayon ay naghahanap ng susunod na pwede ipalit kay Walker na magiging mukha ng franchise. Hindi naman nakaka siguro kung paano ito dadalhin ni Terry Rozier. Terry Rozier, Zeller, Batum, Bridges, at Bacon kasama ang line-up ng Hornets na medyo hindi sapat ang kakayahan upang dalahin ang Hornets at malamang na magtatapos ang season na sila ang may pinaka masamang record sa kanilang dibisyon, kung hindi sila madaragdagan pa ng player na pwede makatulong sa kanilang koponan.

  • Record prediction: 21-61

Our NBA Southeast Division Betting Suggestions, Predictions & Picks Verdict

halos parehas lang ang mga koponan sa dibisyong ito. Ngunit kung titingnan mo ang mga koponan sa Southeast, ang Miami Heat ay may pinakamalaking tsansa dahil sa pag dating ni Jimmy Butler. At may tahimik na trio ang heat na sina Butler, Dragic, at Winslow at isang mahusay na rookie na si Tyler Herro. Ang Orlando Magic ay nangangailangan ng higit pang scorer upang makipagkumpetensya, sa malalakas na mga koponan, injured naman ang Washington Wizard Star na si John Wall, sina Kemba Walker at Jeremy lamb ng Hornets ay nai-trade sa ibang koponan. Ang Atlanta Hawks ay may hinaharap na Superstar Trae Young at guard rookie’s na si Kevin Huerter ay ipinakita ang kanyang kakayahan bilang isang markador mula sa tres, mayroon ang Hawks na mga batang pwedeng maging bagong mukha ng franchise. Ngunit sila ay nasa NBA kailangan nila ng mas maraming karanasan upang makarating sa tuktok.

Ang Atlanta Hawks ay maaaring mapaganda ang kanilang standing sa darating na season ng 2019-20 at may mas malaking logro sa tayaan (Atlanta Hawk +700 sa BetOnline & SportsBetting)

Ang pinakahuling rekomendasyon ko ay ang Miami Heat mayroon silang mas maraming scorer at may matibay na depensa kaysa sa iba pang mga koponan sa kanilang dibisyon. (Odds -125 sa BetOnline & SportsBetting)

This entry was posted in Prediction and tagged , . Bookmark the permalink.