CJ McCollum, muling pumirma ng kontrata sa Blazers, $100M extension

Ang gwardiya ng Portland Trail Blazers na si CJ McCollum ay muling lumagda ng panibagong tatlong taon kontrata, ayon sa agent na si Sam Goldfeder of Excel Sports tells ESPN’s Adrian Wojnarowski (from Twitter)

Ayon kay Wojnarowski, ang dalawang panig sa pagitan ni McCollum at Blazers ay pumayag sa kasunduan ng bagong kontrata, 100M tatlong taon extension. Si McCollum ay may dalawang taon pang natitirang kontrata sa Blazers kaya ang total ng kanyang pananatili sa koponan ay limang taon kabuuan. Ang 27 anyos na si McCollum ay magiging unrestricted free agent sa taong 2024.

Ang 10th overall pick noong 2013 draft na si McCollum ay ay nakilala na isa sa mga malupit na backcourt scorers noong mga nakaraan taon, siya ay nagtatala ng 20.8 puntosĀ  kada season sa kanyang huling apat na taon. Noong 2018-19, siya ay nakapag tala ng 21.0 puntos kada laro, 4.0 RPG at 3.0 APG sa kanyang shooting line na .459/.375/.828 sa 70 games (33.9 MPG).

This entry was posted in Basketball News & Updates, News, News Philippines and tagged , . Bookmark the permalink.