BNTV Cup 9-Stag elims patuloy

MATAPOS ang 10 araw lamang ng eliminasyon, ikaapat na bahagi pa lamang ng kabuuang iskedyul ng eliminasyon para sa 2019 BNTV Cup 9-Stag Early-Bird 9-Stag Derby, ang mag-partner na host na sina Joey Sy at Eddie Boy Ochoa ay malakas ang loob na inihayag na malalampasan nila ang kanilang target na 2,000 kalahok upang maabot ang P10 milyong garantisadong premyo na itinaya nila para sa pinaka-ambisyosong BNTV Cup sa lahat, matapos na makapagtala sila ng 726 kalahok sa ngayon pa lamang.

Itinataguyod ng Thunderbird – ang hindi maikakailang pinakana­ngunguna at pinakamalaki sa larangan ng patuka at gamot para sa manok-panabong sa buong mundo, ang BNTV Cup ay itinatag ng World Slasher Cup champion na si Joey Sy – isa sa mga hinahangaang national endorsers ng Thunderbird.

Nasa ikatlong taon na, ang 2019 BNTV Cup ay isa nang 9-stag early-bird national derby na may garantisadong premyo na P10,000,000 para sa maliit na entry fee na P6,600 lamang at minimum bet na P3,300 (P5,500 sa Araneta Coliseum).

This entry was posted in News, News Philippines and tagged , . Bookmark the permalink.