Bradley Beal, binibigyan ng Wizards ng panibagong tatlong taon kontrata

Bradley Beal, naiulat na kumalas sa pag-sabak para sa FIBA Worldc Cup competition

Bradley Beal ay nasa sitwasyon ng pag dedesisyon kung saan at tagal ng kontrata ang kanyang nais.

 

Beal, ay isa sa may magandang ipinakita noong nakaraan season ng 2018-19, siya ay maaring nang pumirma ng panibagong kontrata sa darating na biyernes at ito’y matatapos sa oktubre 21. Ang tagal na kontrata na maaari niyang pirmahan ay mag mumula sa dalawang taon 2021-202 season.

Ayon kay Wojnarowski, si Beal ay maari din pumirma sagad hangang limang taon kontrata, $254 milyon supermax extension kapag nakuha niya ang All-NBA status sa 2019-20 season. Kung hindi naman, maari din siya makakuha ng apat na taon, $155 milyon max extension sa susunod na taon.

Beal ay nag averaged ng 25.6 puntos, 5.5 rebounds at 5 assists sa nakaraan season. Siya ay naka-apat na laro sa playoffs sa kanyang ika-pitong taon sa NBA. Beal ay nag averaged 22.7 puntos sa kanyang 40 games na nilaruan.

Beal, 26 anyos, ay nag desisyon din na kumalas sa Team USA squad na mag lalaro sa parating na FIBA World Cup sa Setyembre, ayon sa ulat ni ESPN’s Brian Windhorst.

 

Ang pamilya Beal ay nag hihintay sa pag silang ng kanilang ikalawang anak, na ipapanganak sa parehong schedule ng pag hahanda para sa World Cup at sa kompetisyon.

Beal ay tulad din ni James Harden, Anthony Davis, Eric Gordon at CJ McCollum na ilan sa mga manlalaro na nag desisyon na di sumabak sa parating na World Cup ngayon taon.

This entry was posted in Basketball News & Updates, News, News Philippines and tagged , . Bookmark the permalink.