Lakers, planong ilagay bilang starting point guard si LeBron James – report

Binabalak umano ng Los Angeles Lakers na ilagay si NBA superstar LeBron James bilang kanilang starting point guard sa susunod na season.

Batay sa ulat, makakatambal ng 6-foot-8 forward sa bagong backcourt ng Lakers si veteran guard Danny Green.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nilagay sa backcourt ang four-time NBA MVP kung saan ginawa na rin ito ng noo’y dating Cavaliers coach Tyronn Lue dahil sa nagka-injury ang karamihan sa kanilang players noong 2017.

Maging noong 2012 ay pinapuwesto rin si LeBron sa nasabing posisyon noong ito ay nasa Miami Heat pa.

Samantala, sinasabing magiging shooting guard naman ng Lakers si Green, na lumipat mula sa NBA champion na Toronto Raptors.

This entry was posted in Basketball News & Updates, News, News Philippines and tagged , . Bookmark the permalink.