Ang Los Angeles Lakers ay nag babalak bumuo ng bagong higanteng koponan

Ang Washington Wizard ay nakuha sina Mortiz Wagner, Issac Bonga, Jemmerio Jones at second-round pick

Ang Los Angeles Lakers ngayon ay my sapat ng pera upang makakuha muli ng isa pang star player na isasama kay Lebron James at Anthony Davis

Ang pagkakuha kay Anthony Davis ng Los Angeles Lakers ay medyo mataas ang presyo. Kaya naman kinailangan nila mag bawas ng tatlong player at isa nilang future second-round pick upang matugunan ang pag bibigay nang isa pang mahabang kontrata para sa makukuha nilang super star na makakasama ni Lebron James at Anthony Davis.

Ang negosasyong ito ay ayon sa Associated Press na ang lakers ay ipinalit sila Mortiz Wagner, Issac Bonga, Jemerrio Jones at ang isa nilng future round-pick sa Washington Wizard, bilang kapalit ng pag punta ni Anthony Davis sa Los Angeles. At ang Wizards ang mag babayad ng pera sa New Orleans Pelicans sa kasunduan, mula sa taong nakipag usap sa Associated Press pero ang kasunduan ay wala pa sa katiyakan at malalaman pa sa hulyo 6.

Ang kasunduan ng pag lipat ng mga manlalaro ay unang ibinalita ng ESPN, at ang tungkol sa pag bibigay ng halaga sa kasunduan ay unang sinabi sa Washington Post.

Balak pa ng Lakers na mag bawas pa ng ilang palyer upang mapunan ang kakulangan sa budget, Kung ang kasunduan ay maisasagawa halos si Lebron James, Davis at Kuzma nalang ang matitira sa ilalim ng kontrata sa susunod na season, ngunit di pa kabilang ang mga restricted free agents.

Ang Lakers ay maagang pumayag sa kasunduan ngayon buwan para makuha si Davis mula sa New Orleans kapalit nina Lonzo Ball, Josh Hart, Brandon Ingram at tatlo pa sa first-round draft picks– ang isa don ay si De’Andre Hunter, na pinili ng Lakers noong Draft Night at agad naman inilipat sa New Orleans at mula New Orleans ay ipinasa naman sa Atlanta Hawks.

Ang usapan noong huwebes ay anim na manlalaro at apat na picks ang halaga ng pagkuha kay Anthony Davis, kaya naman malaki ang posibilidad na makakuha pang muli ang Lakeers ng isa pang supertstar  dahil ito ang nag bukas sa malaking budget para sa Los Angeles.

Si Wagner, Jones and Bonga ay baguhan pa lamang noong nakaraan season. Wagner ay nag tatala ng 4.8 na puntos sa kanyang 43 games, Jones naman ay nag tala ng 27 points sa kanyang anim na laro at Bonga ay pumuntos ng 19 sa kanyang 22 pag lalaro sa lakers.

This entry was posted in Basketball News & Updates, News, News Philippines and tagged , , , , . Bookmark the permalink.