Pacquiao, tuloy-tuloy ang training para sa laban nito vs Thurman

Tila walang kapaguran si boxing champ at senador Manny “Pacman” Pacquiao sa kanyang ginagawang pagsasanay bilang paghahanda sa laban kay Keith Thurman.

Gumigising ang ang Pambansang kama-o ng madaling araw para magsagawa ng matinding sparring, at pagtakbo sa isang parke mula sa kaniyang bahay.

Maliban dito ay ang pagsasagawa rin ng ehersisyo kagaya na lamang ng pagtakbo ng ilang laps, shadox boxes, at core work outs. Kung hindi sparring ang ginagawa ay tumatakbo siya paakyat sa mga burol.

Kasama ni Pacquiao ang mahigit sa dalawang dosenang training partners, mga tagapagbantay, kaibigan at mga tagahanga sa pagsasanay.

Ang laban ni Pacquiao at Thurman ay gaganapin sa MGM Grand sa Las Vegas sa darating na July 20.

This entry was posted in News, News Philippines and tagged , , . Bookmark the permalink.