Ginebra, wagi kontra NLEX

Dinurog ng Barangay Ginebra ang NLEX sa laro nito para sa 2019 PBA Commissioner’s Cup na nagtapos sa 100-85.

Sa ginanap na tapatan ng dalawang kuponan sa Batangas City Coliseum ay nagpasabog ang super import na si Justin Brownlee ng 37 points, 8 rebounds at 7 assists para sa Ginebra.

Hindi naman naging maganda para kay Stanley Pringle ang debut game nito sa pagkatalo ng NLEX sa kabila ng naiambag niyang 16 points na may kasamang 8 rebounds at 3 assists.

Sa unang quarter pa lang ng laro ay ipinakita ng Gin Kings ang lakas nito sa kanilang 5-0 run sa huling minuto ng frame na dahilan upang lumayo ng 10 points ang lamang sa score na 27-17.

Nakabawi naman ang NLEX sa ikalawang yugto, ngunit hindi ito naging problema para sa Ginebra na patuloy na nagpaulan ng tira sa ikatlong yugto. Umabot pa sa 27 points ang pinakamataas na lamang na nakuha ng Gin Kings sa score na 76-49, salamat sa back-to-back triples ni LA Tenorio.

Dahil sa panalo ay umangat sa 4-3 ang win loss record ng Gin Kings

This entry was posted in Basketball News & Updates, News, News Philippines and tagged , , . Bookmark the permalink.