Away-away na sa Houston Rockets

HOUSTON – Habang nagmumuni-muni ang Golden State Warriors bunsod nang tinamong injuries ng star players para sa 2020 season, nagsisimula nang maghanda at magpalakas ang mga koponan sa Western Conference.

Kaagad na senelyuhan ng Los Angeles Lakers ang trade para makuha ang talento ni Anthony Davis mula sa New Orleans at may makatuwang si LeBron James sa hangad na muling mailagay sa pedestal ang Lakers.

Ngunit, sa panig ng Houston Rockers, tila may lamat na nagsisimulang magbitak sa tambalan nina James Harden at Chris Paul.

Bago pa man ang ulat na hidwaan sa pagitan ng dalawang star players, hinaharap ng Rockets ang posibleng pagkawala ni head coach Mike D’Antoni na tila nagbabalak na lumipat ng ibang koponan. Sa ulat ni ESPN’s Tim McMahon, may gusot sa pagitan nina Harden at Paul.

Sa Western semifinals laban sa Warriors, lutang ang kahusayan ni Harden na nakapagtala ng impresibong numero. Nangunguna si Harden sa scoring na may averaged 36.1 puntos,s apat para maging liyamadong kandidato para sa NBA MVP awards, habang mistulang alalay lamang si Paul.

“There was “friction” between Harden and Paul, including “tense exchanges” during the Warriors series,” ayon sa ulat ni McMahon. Iginigiit umano ni Paul na patakbuhin ang set plays, ngunit nakatuon si Harden sa isolation game.

“Chris wants to coach James,” pahayag ng isang opisyal na may direktang ugnayan sa koponan. “James looks at him like, ‘You can’t even beat your man. Just shut up and watch me.

’” Ayon sa naturang source, ikinadidismaya ni Paul ang diskarte ni Harden. Sa ESPN radio interview, itinanggi ni Rockets general manager Daryl Morey na may hidwaan sa pagitan nina Harden at Paul.

“Two competitive superstars at that level, there’s going to be times when they are extremely competitive, extremely focused on how do we get to that next level, and when we don’t there’s going to be frustration,” sambit ni Morey. “I’m frustrated, our top players are frustrated, Mike D’Antoni is frustrated. We want to take the last step and be the champion and I think it’s good that there is tension in the sense that we all want to win.”

This entry was posted in Basketball News & Updates and tagged , , . Bookmark the permalink.