Ravena, magsisimula sa pag-eensayo sa Gilas

Balik na sa Philippine National Basketball Team si Kiefer Ravena. Simula sa Lunes, June 24, ay mag-eensayo na si Ravena sa grupo ng Gilas matapos ang 18 buwang suspensyon nito nang magpositibo sa ipinagbabawal na substance.

Mismong si coach Yeng Guiao ang nagkumpirma sa pagbabalik ni Ravena na tinaguriang “Phenom”.

Pormal nang magtatapos ang suspensyon ni Ravena sa August 30, o simula ng 2019 FIBA Basketball World Cup. Tiwala ang koponan na malaki ang maiaambag ni Ravena sa team.

This entry was posted in Basketball News & Updates, News, News Philippines and tagged , , . Bookmark the permalink.